Patawad po!

May sasabihin ako sa iyo na hindi mo nalalaman

O baka sadyang nagbubulagbulagan ka lang?

Makinig ka ng maigi at magmasid

Magmasid ka sa paligid

Magmasid ka! Dali tingnan mo!

Tingnan mo ang mga taong nagsasabi ng “sorry” dahil nasagi ka niya, “sorry” dahil nasagi ka niya o kaya “sorry” kasi bumahing siyang bigla , “sorry” nakalimutan ko o pwede ring sorry at hindi ko sinasadya, “sorry” sabay ngiting nakakatawa

O, ngayon nakita mo na kung paano mong binalewala ang salitang patawad,

I’m sorry, paumanhin, pasensya ka na

at kahit ano pa mang salitang ginagamit mo para makaligtas ka!

Para hindi ko na sabihing masama ka!

At para ikaw ang makatulog ng mahimbing sa gabi habang ako’y nakakulong sa mga salita mong “Patawad po!”

Meron lamang akong hiling

Isang hiling

Madali lang to!

 Sige nanaman, gawin mo naman para sakin,

Na ipaintindi sa kanila na ang pangako at patawad ay pareho lang pala

Tama ang narinig mo! Pareho lang sila.

Eh kasi naman akala ko’y magkaiba

Pareho lang palang nangangailangan ng pagdurusa, ng pag – iyak at pagsuko.

Pareho lang palang hindi nagagawa at hindi napapanindigan

Pareho lang palang hinahayaan at pinapalipas.

Parang dalawang taong nagmamahalan na tila walang pakialam kahit pareho nang nasasaktan

Hindi kasi nila kayang tapusin sa salitang “patawad po”

Na ang salitang patawad po ay tugma rin pala sa salitang TAKOT

Takot na maiwan, takot na mapabayaan, takot na mabalewala at takot na masaktan

Dahil simple, takot. Takot kang magpatawad.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s